Kahulugan ng Merkantilismo at Halimbawa Nito

Isa sa mga mahahalagang usapin na pang-ekonomiya ang tinatawag natin na merkantilismo.

Ito ay may kaugnayan sa pagpapayaman ng bansa sa pamamagitan ng malawakang eksportasyon. Atin itong ma-oobserbahan sa mga bansang kanluranin.

Para malaman ang mas malawak na kahulugan ng merkantilismo, atin itong tatalakayin sa pahinang ito. Masasagot din natin ang ilang katanungan kagaya na lamang kung bakit mahalaga ang papel ng merkantilismo sa pag-usbong ng mga bansa.

Mahahalagang Puntos

  • Ang merkantilismo ay naging pangunahing sistema ng ekonomiya mula ika-16 na siglo hanggang ika-18 na siglo.
  • Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naglalayong palakasin ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng eksportasyon na nakakatulong sa mundo ng kalakalan.
  • Binubuksan ng merkantilismo ang pinto sa pag-usbong ng industriyalisasyon at kalakalang internasyonal.


Kahulugan ng Merkantilismo at Halimbawa Nito

 


Kahulugan ng Merkantilismo

Pagpapaliwanag sa katuturan ng Merkantilismo

Ang merkantilismo ay itinuturing na isa sa mga konseptong pang-ekonomiya na laganap noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo. 

Ito ay naglalayong palakasin ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng malawakang eksportasyon at pag-angkin ng mas maraming metal. Isa sa mga mahalagang aspeto ang pag-aakumula ng ginto at pilak.

Sa makatuwid, nakabase ang merkantilismo sa kaisipang mas yumayaman ang nasyon sa pagtaas ng eksportasyon at pagbaba ng importasyon.


Mga Prinsipyo ng Merkantilismo

A. Pagpapalakas ng Export

Ang pagpapalakas o pagpapalawak sa eksportasyon ng isang bansa ay isa sa pangunahin prinsipyo ng merkantilismo. Habang tumataas ito, binabawasan naman ang importasyon. 

Magdadala ito ng mas mataas na kita sa bansang nag-eeksport dahil magkakaroon ng mas mataas na demand ang mga produkto.

B. Pagpapataas sa Suplay ng mga Mamahaling Metal

Sa sistemang merkantilismo, layuning madagdagan ang suplay ng ginto at pilak ng isang bansa. Sa halip na maubos ito sa pamamagitan ng importasyon, binibigyang pokus ang eksportasyon para mas tumaas pa ang suplay ng mga mamahaling metal.

C. Pagsuporta sa Local Employment

Sa pamamagitan ng merkantilismo, nabibigyang suporta ang residente ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng trabaho.  

Kung malakas ang lokal na industriya at mabilis ang pagpapatupad ng mga patakaran, magkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayan ng bansa.

D. Pagtatakda ng Taripa at Quota

Ang pagtatakda ng taripa o mas mataas na buwis ay ginagamit upang protektahan ang industriya mula sa malakas na kompetisyon mula sa ibang bansa.

E. Pagpapanatili ng Trade Surplus

Ang trade surplus ay isang kalagayan sa ekonomiya kung saan ang halaga ng eksport ng isang bansa ay mas mataas kumpara sa halaga ng inaangkat nito. 

Sa ganitong paraan, mas maraming pera o yaman ang pumapasok kaysa lumalabas sa bansa. Dahil dito, kailangan ng mga bansa na bigyang pokus ang eksportasyon kaysa sa pag-aangkat. Ang importasyon kasi ay binabawasan nito ang suplay ng ginto sa bansa. 

Sa pagpapanatili ng trade surplus ay nagkakaroon ng kakayahan para mas lumago ang ekonomiya ng banasa. Ang bunga nito ay mas mataas na antas ng kasaganaan at kapangyarihan para sa bansa.


Basahin Din:

Kahulugan ng Balbal at Mga Halimbawa Nito


Halimbawa ng Merkantilismo

Laganap ang sistemang merkantilismo noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo. Mula sa mga bansang nag-apply sa sistemang ito, masasalamin ang epekto nito sa kanilang ekonomiya at sa kanilang relasyon sa ibang bansa. 

Narito ang ilang halimbawa.

Mga Bansa Halimbawa ng Merkantilismo
Merkantilismo
ng France
Pagpapalakas ng pambansang ekonomiya at kalakalan.
Merkantilismo
sa Britanya
Pag-usbong ng kontroladong produksyon at kalakalan, implasyon o inflation, at pagbubuwis o taxation.
Merkantilismo
ng Spain
Mas lumakas ang kalakalan at ekonomiya nila mula pag-angkin ng mga kolonya. Isa na ang Pilipinas dito noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo. Ang mga ginto at pilak mula sa Pilipinas ay ipinadala sa Espanya na siyang nagpalakas pa sa kanilang ekonomiya.


Pagwawakas sa Usaping Merkantilismo

Bilang pangwakas sa usaping merkantilismo, mahalagang isapuso at isaisp ang mga natutunan. 

Tandaan na ito ay may prinsipyong ng palakasin ang export, pataasin ang suplay ng ginto at pilak, suportahan ang local employment, maglatag ng taripa, at panatilihin ang trade surplus. 

Hindi na ganon ginagamit ang teoryang merkantilismo dahil sa paggamit ng ibang teorya kagaya ng malayang kalakalan at kapitalismo. Gayunpaman, makikita pa rin ito sa mga taripa na ipinatutupad ng mga pamahalaan ng mga bansa na naghahangad ng makatarungan na balanse ng kalakalan sa ibang bansa.


Basahin Din:

Kahulugan ng Ponema at Halimbawa Nito

Mga Karaniwang Katanungan

Ano ang mga pangunahing layunin ng Merkantilismo?

Ang mga pangunahing layunin ng merkantilismo ay ang pagpapalakas ng ekonomiya ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng export habang binabawasan ang importasyon.

Paano naimpluwensiya ng merkantilismo ang kasaysayan ng ekonomiya ng mundo?

Ang merkantilismo ay nagbigay-daan para sa pag-usbong ng kalakalang internasyonal at pagpapalakas ng ekonomiya ng mga bansang kanluranin nong ika-16 hanggang ika-18 na siglo.

Ano-ano ang mga bansang sumusunod sa mga prinsipyo ng merkantilismo sa kasalukuyan?

Bagamat ang mga prinsipyo ng merkantilismo ay hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyan, ang ilang mga bansa ay patuloy pa ring sumusunod sa ilang mga prinsipyo ng merkantilismo. Kabilang dito ang Russia at China.

McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

Post a Comment

Previous Post Next Post