Ang buod ng unang sampung kabanata sa koridong "Ang Ibong Adarna" ay mababasa sa pahinang ito. Sa bawat buod ay mayroon ding mga talasalitaan upang mas lalong madagdagan ang kaalaman patungkol sa ilang mga salita na ginamit.
Mayroon ding pagsusulit pagkatapos ng mga talasalitaan at ang mga kasagutan ay nakalagay sa dulo ng pahinang ito.
{tocify} $title={Table of Contents}
Buod ng Bawat Kabanata 1-10 sa Ibong Adarna, Talasalitaan, at Maikling Pagsusulit
Buod ng Kabanata 6: Ang Leprosong Ermitanyo (Saknong 141 – 198)
Buod ng Kabanata 7: Ang Ibong Adarna (Saknong 199 – 215)
Buod ng Kabanata 8: Ang Pagligtas kay Don Diego at Don Pedro (Saknong 216 – 225)
Buod ng Kabanata 9: Ang Mahiwagang Katotohanan (Saknong 226 – 256)
Buod ng Kabanata 10: Ang Pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego (Saknong 257 – 275)
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 1: Ang Berbanya (Saknong 1-29)
Masasabing tanyag ang kaharian ng Berbanya hindi lamang dahil sa masagana at payapang pamumuhay na mayroon dito kundi dahil rin sa hari't reynang namumuno sa kahariang ito.
Madalas ang piging at pagdiriwang sa kaharian ng Berbanya dahil ang mag-asawang sina Don Fernando at Donya Valeriana na siyang namumuno dito ay kapwa masayahin at may mabuting loob.
May tatlong supling ang hari't reyna at pawang mga lalaki ang mga ito. Sila'y sina Don Pedro, Don Diego, at si Don Juan na kung ilalarawan ay magagaling at matatalinong mga indibidwal.
Nagsasanay sila sa pakikipaglaban at kung paano nila idedepensa ang kanilang sarili at ang buong kaharian laban sa mga mananakop at masasama. Bagama't lahat sila'y likas na magagaling, isa lamang sa kanila ang pwedeng maging tagapagmana ng kaharian.
Batay sa inyong nabasa, may mga salitang ginamit. Bibigyan natin ng kahulugan ang mga ito ngayon.
Talasalitaan
- Tanyag - Isang salita na nangangahulugang sikat o kilalang-kilala.
- Masagana - Ito'y nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng saganang yaman o kaginhawaan.
- Payapa - Ito naman ang pagkakaroon ng katahimikan at kaayusan. Walang gulo o hidwaang nagaganap.
- Piging - Isang pagtitipon kung saan ang mga tao ay nagsama-sama para sa espesyal na okasyon.
- Supling - Ang salitang ito ay tumutukoy sa mga anak.
- Mananakop - Mga indibidwal na nagtatangka ng pagsakop at pag-angkin sa ibang teritoryo o lupain.
- Tagapagmana - Ito naman ang susunod na aako sa responsibilidad at magpapatuloy sa pamumuno.
Atin ding sagutin ang ilang katanungan na nakabase sa buod na binasa.
Maikling Pagsusulit
1. Ano ang tawag sa kahariang naisalaysay?
a. Kaharian ng Ibong Adarna
b. Kaharian ng Hari't Reyna
c. Kaharian ng Berbanya
d. Kaharian ng Kasaganaan at Kapayapan
2. Sino ang hari't reyna sa kahariang nabanggit?
a. Don Fernandez at Donya Valerina
b. Don Fernando at Donya Valeriana
c. Don Fernandino at Donya Valeriana
d. Don Fernando at Donya Valerina
3. Sino-sino ang mga supling ng hari at reyna?
a. Don Pedrito, Don Diego, at Don Juan
b. Don Pedro, Don Diego, at Don Juaqin
c. Don Pedro, Don Dego, at Don Juan
d. Don Pedro, Don Diego, at Don Juan
4. Paano inilarawan ang tatlong prinsipe?
a. Magagaling at Matatalino
b. Magagaling at Makikisig
c. Makikisig at Matatalino
d. Matatapang at Matatalino
5. Ano ang ibig sabihin ng salitang piging?
a. Pagdiriwang
b. Pasukan
c. Holiday
d. Wala sa nabanggit
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 2: Ang Karamdaman ni Don Fernando (Saknong 30-45)
Isang hindi matukoy at malubhang karamdaman ang dumapo kay Don Fernando pagkatapos nitong magkaroon ng isang bangungot. Sa panaginip na 'yon ay makikita si Don Juan na pinaslang ng dalawang bandido at pagkatapos ay inihulog siya sa balong malalim.
Si Don Juan ay ang paboritong anak ng hari kaya ganon na lamang ang pag-aalala nito. Dahil din sa bangungot ay hindi na nakatulog at nakakain ng maayos ang hari at kalauna'y naging buto’t-balat na.
Si Donya Valeriana at ang mga anak nila ay labis na nabahala sapagkat hindi pa rin gumaling ang hari. Ang siyang lunas sa sakit nito ay wala pa rin.
Isang araw, matapos suriin ng isang medikong paham ang hari ay napag-alamanan na isang awit ng isang maalamat na ibon ang tanging lunas sa sakit ng hari. Ang ibong ito ay matatagpuan sa bundok ng Tabor, partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas.
Tanging sa gabi lamang nakikita ang ibong ito sapagkat ito ay nasa burol naman kapag araw. Pagkatapos malaman ang lunas mula sa paham ay agad-agad ding gumawa ng aksyon ang kaharian.
Ang pinuno ng monarka ay nagbitaw ng isang utos sa panganay na si Don Pedro para hanapin at dalhin sa kaharian ang nasabing ibon na mas kilala sa tawag na "Ibong Adarna."
Batay sa inyong nabasa, may mga salitang ginamit. Bibigyan natin ng kahulugan ang mga ito ngayon.
Talasalitaan
- Bangungot- Ito ay isang masamang panaginip.
- Balon - Isang malalim na hukay sa lupa na pinagkukunan ng tubig.
- Kalaunan - Ito ay nagpapahiwatig ng oras o panahon na mangyayari pa lamang.
- Nabahala - Nagpapahiwatig ito ng sobrang takot o pag-aalala.
- Paham - Isang indibidwal na maraming kaalaman sa mga bagy-bagay.
- Lunas - Bagay o pamamaraan na nakakapagpagaling ng sakit o nakakalutas ng problema.
- Monarka - Isang estado na pinamumunuan ng isang hari at reyna.
Atin ding sagutin ang ilang katanungan na nakabase sa buod na binasa.
Maikling Pagsusulit
1. Bakit nagkasakit ang hari?
a. Dahil sa edad
b. Dahil sa isang bangungot
c. Dahil sa init ng panahon
d. Dahil sa lamig ng panahon
2. Anong meron sa bangungot?
a. Si Don Juan ay pinaslang ng dalawang bandido at pagkatapos ay inihulog siya sa balong malalim.
b. Si Don Pedro ay pinaslang ng dalawang bandido at pagkatapos ay inihulog siya sa balong malalim.
c. Si Don Diego ay pinaslang ng dalawang bandido at pagkatapos ay inihulog siya sa balong malalim.
d. Si Donya Valeriana ay pinaslang ng dalawang bandido at pagkatapos ay inihulog siya sa balong malalim.
3. Sino ang nakapagsabi ng lunas sa sakit ng hari?
a. Isang Paham
b. Ang Monarka
c. Si Donya Valeriana
d. Ang Ibong Adarna
4. Ano ang lunas sa karamdaman ng hari?
a. Ang balahibo ng ibong Adarna
b. Ang puno kung saan matatagpuan ang ibong Adarna
c. Ang awit ng ibong Adarna
d. Herbal na gamot
5. Saan matatagpuan ang ibong Adarna?
a. Sa puno ng Pedros Platas
b. Sa puno ng Piedras Platos
c. Sa puno ng Piedros Platos
d. Sa puno ng Piedras Platas
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 3: Ang Paglalakbay ni Don Pedro (Saknong 46-80)
Naglakbay ang prinsepeng si Don Pedro ng tatlong buwang bago marating ang daan patungo sa Bundok ng Tabor. Kaunting paglalakbay pa ang kaniyang ginawa at narating din niya ang puno na tinatawag na Piedras Platas.
Laksa-laksang mga ibon ang lumipad sa kaniyang kinaroroonan subalit ni isa ay walang dumapo sa nasabing puno na kung ilalarawan ay kumikinang.
Hindi namalayan ni Don Pedro na siya'y makakatulog habang naghihintay sa pagdating ng Ibong Adarna. Dahil dito, hindi niya namalayan ang pagdating ng ibon.
Umawit ang nasabing ibon na mahiwaga ng pitong beses. Kung bibilangin ay pitong beses rin ito nagpalit ng kulay sa kaniyang balahibo.
Bago natulog ang ibon ay dumumi ito. Sakto namang dumapo ang dumi ng ibon kay Don Pedro na kasalukuyang mahimbing ang tulog. Dahil doon ay hindi na namalayan ng prinsepe na siya'y maging bato.
Batay sa inyong nabasa, may mga salitang ginamit. Bibigyan natin ng kahulugan ang mga ito ngayon.
Talasalitaan
Naglakbay - nagtungo o nagbiyahe
Laksa-laksa - marami o malaking grupo
Kinaroroonan - kasalukuyang lokasyon o kinatatayuan
Dumapo - lumapat o dumikit
Mahimbing - malalim na pagtulog
Atin ding sagutin ang ilang katanungan na nakabase sa buod na binasa.
Maikling Pagsusulit
- Ilang buwan ang inabot sa paglalakabay ni Don Pedro bago marating ang daan patungo Bundok ng Tabor?
- Paano inilarawan ang puno ng Piedras Platas?
- Ilang beses umawit at nagpalit ng kulay ang Ibong Adarna?
- Anong nangyari kay Don Pedro?
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 4: Ang Kabiguan ni Don Pedro (Saknong 81-109)
Ilang buwan pa ang lumipas at hindi na nga nakabalik sa kaharian ang unang prinsepe na si Don Pedro. Dahil dito, ang ikalawang anak na si Don Diego ang inatasang maglakbay naman para hanapin ang kapatid at dalhin ang Ibong Adarna pabalik sa kaharian ng Berbanya.
Mahigit limang buwan naman ang inabot ng ikalawang prinsepe bago nito tuluyang marating ang kinaroroonan ng Piedras Platas.
Kasalukuyang nagpapahinga si Don Diego sa isang bato nang biglang dumating ang Ibong Adarna. Malinaw sa kaniyang mga tenga ang pitong beses na pag-awit ng nasabing ibon. Nasaksihan din niya ang pitong beses na pagpapalit ng ibon sa kulay ng kaniyang balahibo.
Napakalamyos ang awit ng naturang mahiwagang ibon at hindi na nga naiwasan ni Don Diego na makatulog. Bago ulit natulog ang ibon ay dumumi ito at ang dumi ay dumapo kay Don Diego na kalauna'y naging bato rin. Tila naging isang libingan tuloy ang ilalaim ng puno ng Piedras Platas dahil sa dalawang bato.
Batay sa inyong nabasa, may mga salitang ginamit. Bibigyan natin ng kahulugan ang mga ito ngayon.
Talasalitaan
Kasalukuyan - sa ngayon
Nasaksihan - nakita o naranasan (na kaganapan)
Napakalamyos - napakagandang pakinggan
Naturang - pagtukoy sa partikular na bagay, tao, lugar, hayop o pangyayari.
Atin ding sagutin ang ilang katanungan na nakabase sa buod na binasa.
Maikling Pagsusulit
- Ilang buwan ang inabot ng paglalakbay ni Don Diego bago marating ang puno?
- Ano ang ibig sabihin ng salitang napakalamyos?
- Ano ang ngayari sa kay Don Diego?
- Paano inilarawan ang ilalim ng puno ng Piedras Platas matapos ang nangyari sa ikalawang prinsepe?
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 5: Ang Paglalakbay ni Don Juan (Saknong 110 – 140)
Sa paghihintay sa pagbalik ng dalawang prinsepe, hindi namalayang tatlong taon na rin pala ang lumipas. Gayunpaman, ni isa sa mga ito ang bumalik. Kapansin-pansin rin ang paglubha sa sakit ng hari.
Tanging si Don Juan na lamang sa tatlong magkakapatid na prinsepe ang naroroon sa kaharian. Humingi ng bendisyon ang naturang prinsepe para payagan siyang umalis at hanapin ang mga kapatid at dalhin sa kaharian ang natatanging lunas sa ama. Sa huli ay naglakbay din ang si Don Juan.
Kung ang mga naunang magkapatid ay gumamit ng kabayo sa paglalakbay, si Don Juan naman ay mas piniling maglakad sa paglalakbay nito.
Mabuti ang hangarin ng prinsepe kaya naniniwala siyang kusang darating ang biyaya. Limang tinapay ang binaon ni Don Juan. Para maging sapat ang dala niyang pagkain sa kaniyang paglalakabay, siya ay kumakain lamang pagkatapos ng bawat isang buwan.
Nagdarasal siya palagi para kayanin ang hirap. Tumigas na ang mga baon niyang tinapay pagkatapos ng apat na buwan na paglalakbay.
Hindi napanghinaan ng loob si Don Juan. Bagkus ay nagpatuloy siya hanggang sa marating niya ang kapatagang bahagi ng bundok Tabor. Doon ay isang matandang leproso ang kaniyang nasalubong.
Batay sa inyong nabasa, may mga salitang ginamit. Bibigyan natin ng kahulugan ang mga ito ngayon.
Talasalitaan
Lumubha - mas lumala
Bendisyon - banal na pagpapala o kahabagan
Biyaya - grasya o kabutihan
Kapatagan - isang malapad na lupain na karaniwang pantay
Leproso - isang tao na may sakit sa balat
Sino ang matandang Leproso?
Atin ding sagutin ang ilang katanungan na nakabase sa buod na binasa.
Maikling Pagsusulit
1. Anong ginamit na sasakyan ni Don Juan sa kaniyang paglalakbay?
a. Kabayo
b. Kalabaw
c. Naglakad lang siya
d. Kaibigang Ibon
2. Ilang buwan bago tumigas ang dalang tinapay ni Don Juan?
a. Apat
b. Lima
c. Anim
d. Pito
3. Bakit mas piniling maglakad ni Don Juan?
a. Para hindi mapagod ang kabayo
b. Para sa mas masaya ang paglalakbay
c. Para mas maging makisig
d. Para sa paniniwalang magkakaroon ng magandang biyaya sa mabuting hangarin
4. Sino ang nakasalubong ni Don Juan sa bundok ng Tabor?
a. Isang matandang prinsepe
b. Isang matandang leproso
c. Si Don Pedro
d. Si Don Diego
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 6: Ang Leprosong Ermitanyo (Saknong 141 – 198)
Nang makasalubong ni Don Juan ang isang ermitanyong may karamdaman, hindi niya ito pinabayaan at binigyan ng tinapay. Sa kabutihang loob ni Don Juan, pinayuhan siya ng ermitanyo tungkol sa misyon niya sa paghahanap ng Ibong Adarna.
Ipinakita ng matanda kay Don Juan ang daan patungo sa isang dampa kung saan mayroon pang isang ermitanyo na makakatulong sa kanya.
Bagamat muntik nang mahulog sa kapangyarihan ng Piedras Platas, nagtagumpay si Don Juan na marating ang dampa at doon ay natuklasan niya ang mga sikreto ng Ibong Adarna.
Talasalitaan
Ermitanyo - Isang tao na namumuhay nang mag-isa at malalayo sa kabihasnan upang magnilay o magdasal.
Dampa - Munting bahay o tahanan na gawa sa kahoy at pawid.
Piedras Platas - Mahiwagang puno na may makikintab na mga dahon at bunga.
Maikling Pagsusulit
Ano ang ibinigay ni Don Juan sa ermitanyo?
a. Ginto
b. Tubig
c. Tinapay
d. Damit
Saan dapat tumingin si Don Juan upang makita ang dampa?
a. Sa taas ng puno
b. Sa ilalim ng puno
c. Sa gilid ng puno
d. Sa gitna ng puno
Ano ang muntik nang malimutan ni Don Juan dahil sa kagandahan ng Piedras Platas?
a. Kumain
b. Maglakad
c. Ang bilin ng ermitanyo
d. Huminga
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 7: Ang Ibong Adarna (Saknong 199 – 215)
Habang nagmamasid si Don Juan sa ilalim ng Piedras Platas, nasilayan niya ang kakaibang ganda at kabighanihan ng Ibong Adarna.
Sa bawat awit ng ibon, nararamdaman ni Don Juan ang bigat ng antok ngunit sa tulong ng bilin ng ermitanyo at sa kanyang tapang, nalabanan niya ito.
Nang matapos ang pitong awit, nakuha ni Don Juan ang pagkakataon na mahuli ang ibon gamit ang gintong sintas at dinala ito sa dampa ng ermitanyo.
Talasalitaan
Kabighanihan - Ang taglay na ganda o kariktan na mahirap tanggihan o kalimutan.
Gintong sintas - Isang mahiwagang sintas na gawa sa ginto na ginamit ni Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna.
Maikling Pagsusulit
1. Ilang beses umawit ang Ibong Adarna?
a. 5 beses
b. 6 beses
c. 7 beses
d. 8 beses
2. Ano ang ginamit ni Don Juan upang hindi siya antukin sa awit ng Ibong Adarna?
a. Tubig
b. Dayap sa sugat
c. Alak
d. Kape
3. Saan dinala ni Don Juan ang Ibong Adarna matapos itong mahuli?
a. Sa kaharian
b. Sa kagubatan
c. Sa dampa ng ermitanyo
d. Sa kanyang bahay
Buod ng Kabanata 8: Ang Pagligtas kay Don Diego at Don Pedro (Saknong 216 – 225)
Pinagbuklod muli ni Don Juan ang kanyang mga kapatid na naging bato sa tulong ng ermitanyo. Sa pamamagitan ng isang banga ng tubig, naging tao muli sina Don Pedro at Don Diego.
Nagdiwang ang magkakapatid at nagpasalamat sa ermitanyo sa kanyang tulong.
Talasalitaan
Banga - Isang malalim na lalagyan gawa sa luad o putik na ginagamit sa pag-imbak ng tubig o iba pang likido.
Magdiwang - Magbunyi o magsaya bilang pasasalamat o pagkilala sa isang espesyal na okasyon.
Maikling Pagsusulit
1. Ano ang nangyari kina Don Diego at Don Pedro bago sila binuhusan ni Don Juan ng tubig?
a. Naging bato
b. Naging hayop
c. Nawala
d. Naging hangin
2. Ano ang ginamit ni Don Juan upang mabuhay muli ang kanyang mga kapatid?
a. Magic wand
b. Banga ng tubig
c. Magic potion
d. Mahiwagang salita
3. Ano ang ginawa ng tatlong prinsipe matapos mabuhay muli sina Don Diego at Don Pedro?
a. Nag-away
b. Umalis agad
c. Nagdiwang
d. Tumulog
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Buod ng Kabanata 9: Ang Mahiwagang Katotohanan (Saknong 226 – 256)
Sa tulong ng ermitanyo, gumaling ang mga sugat ni Don Juan. Bago sila magpaalam, binigyan sila ng ermitanyo ng mga babala at payo para sa kanilang paglalakbay pabalik sa kaharian.
Sa kanilang pag-uwi, namalayan ni Don Juan ang plano nina Don Pedro at Don Diego laban sa kanya.
Sa kabila ng lahat, nanatili ang kanyang kabaitan at hindi siya nanlaban kahit na siya ay inatake ng kanyang mga kapatid.
Talasalitaan
Lihim - Isang bagay o impormasyon na itinatago o hindi ipinaalam sa iba.
Babala - Paalala o paunawa hinggil sa isang bagay o pangyayari.
Maikling Pagsusulit
1. Ano ang nangyari sa sugat ni Don Juan matapos itong gamutin ng ermitanyo?
a. Lalong lumala
b. Hindi nagbago
c. Gumaling agad
d. Naging mas malalim
2. Ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan sa gubat?
a. Pinuri siya
b. Binigyan ng regalo
c. Inatake at binugbog
d. Inaya siyang kumain
3. Pumalag ba si Don Juan nang siya ay inatake ng kanyang mga kapatid?
a. Oo, ipinagtanggol niya ang sarili
b. Hindi, hindi siya nanlaban
c. Lumaban siya gamit ang kanyang espada
d. Tumakbo siya palayo
Buod ng Kabanata 10: Ang Pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego (Saknong 257 – 275)
Nang makarating sa palasyo sina Don Pedro at Don Diego na walang kasamang Don Juan, nag-alala si Haring Fernando. Hindi rin siya natuwa sa dala nilang Ibong Adarna na hindi kumakanta.
Sa kalaunan, nadama ng hari ang pagkawala ng kanyang bunsong anak at ang posibilidad na siya ay nasaktan o pinatay ng kanyang mga kapatid.
Talasalitaan
Palasyo - Malaking tahanan o bahay ng hari at reyna.
Alala - Pag-aalala o pangamba sa isang tao o bagay.
Maikling Pagsusulit
1. Anong reaksyon ni Haring Fernando nang makita ang dalawang prinsipe pero wala si Don Juan?
a. Natuwa
b. Nagalit
c. Nag-alala
d. Walang pakialam
2. Kumanta ba ang Ibong Adarna nang ito ay dinala sa kaharian?
a. Oo, kumanta ito ng masaya
b. Hindi, ito ay tumahimik
c. Kumanta ito ng malungkot
d. Kumanta ito ng galit
3. Ano ang nadama ni Haring Fernando tungkol sa kanyang bunsong anak?
a. Natuwa siya sa pagkawala nito
b. Nagalit siya sa kanya
c. Natakot siya para kay Don Juan
d. Wala siyang naramdaman
I-comment lang ang inyong mga sagot sa mga katanungang ito. Tandaan na ang kaalaman ay makapangyarihan. Hanggang sa muli!
JHS