Ano ang Karunungang-Bayan, Kahalagahan at Mga Halimbawa Nito
Bahagi ng ating pamumuhay ang mga nakagisnang kultura at tradisyon na siyang nagbibigay ng karagdagang kulay tungkol sa ating bansa, pagkakakilanlan, at maging kung sinot tayo bilang isang miyembro ng pamilya, kapwa, at marami pang iba.
Isa sa mga usaping maiuugnay dito ay ang mga karunungang bayan na mula noo'y nagbibigay gabay sa atin. Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito? May iba't ibang uri ba ito? Ano-ano ang mga halimbawa? Ang mga katanungang ito ay ating sasagutin sa talakayang ito.
{tocify} $title={Table of Contents}
Ano ang karunungang bayan?
Ang karunungang bayan ay madalas tinatawag na folk speech sa wikang Ingles. Ito rin ay isang sangay ng panitikan kung saan naipapahayag ang mga kaisipan na sumasagisag sa bawat kultura ng isang nasyon. Samakatuwid ay ang mga karunungang bayan ay mula pa sa ating mga ninuno na nagpapakita ng mga kasanayang likas sa atin. Ang mga ito ay ipinasa-pasa sa pamamagitang ng pagsusulat at pagsasalin-dila mula sa isang henerasyon sa isa pang henerashon.
Bilang mga Pilipino, likas sa atin ang pagiging mayaman sa kultura. Kung ating babalikan ang ating kasaysayan, meron na tayong mga karunungang bayan bago pa man dumating ang mga Kastila dito sa ating bansa.
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ang mga karunungang bayan na ito ay binubuo ng mga sumusunod:
Ano ang salawikain?
Ang salawikain ay mga maiiksing pangungusap pero naglalaman ng mga makabuluhang aral na magagamit ng bawat tao sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kilala ito sa tawag na proverbs, adage, maxim, o epigram sa wikang Ingles.
"Aral ay gawing tulay tungo sa matiwasay na buhay"
"Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga"
“Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa hayop at malansang isda”
"Ang taong gipit, sa patalim kumakapit"
“Kapag may tiyaga, may nilaga”
"Habang may buhay, may pag-asa"
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ano ang bugtong?
Ang bugtong ay kilala sa tawag na riddle sa wikang Ingles. Ito ay mga pahayag o tanong na karaniwang naglalaman ng labis na makahulugang paglalarawan ng isang bagay. Layunin nitong pahulaan kung ano o sino ang tinutukoy.
Ang mga bugtong ay matalinhaga at minsan mapapa-isip ka ng matagal sa sobrang pagkamisteryoso ng mga tanong. Pero alam mo ba na isa ito sa mga libangan noon ng mga bata at matatanda na talagang kinagigiliwan pa rin ng marami hanggang ngayon?
Mga halimbawa ng bugtong at mga sagot nito
Bugtong: Limang magkakapatid, iisa and dibdib.
Ang sagot ay: Kamay
Bugtong: Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.
Ang sagot ay: Pusa
Bugtong: Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Ang sagot ay: Paruparo
Bugtong: Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
Ang sagot ay: Aso
Bugtong: Dahon ng pindapinda magsinlapad ang dalawa.
Ang sagot ay: Tenga
Bugtong: Tungkod ni Kapitana, hindi mahawakan.
Ang sagot ay: Ahas
Bugtong: Isang bakud-bakuran sari-sari ang nagdaan.
Ang sagot ay: Ngipin
Bugtong: Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki ay dalawa. Nang tumanda ay tatlo na.
Ang sagot ay: Tao
Bugtong: Bata pa si Nene marunong nang manahi.
Ang sagot ay: Gagamba
Bugtong: Isang bundok hindi makita ang tuktok.
Ang sagot ay: Noo
Bugtong: May ulo’y walang buhok, may tiyan walang pusod.
Ang sagot ay: Palaka
Bugtong: Aling parte ng katawan ang di nababasa?
Ang sagot ay: Utak
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ano ang palaisipan?
Kilala naman sa terminong logic ang palaisipan. Ito ay isang karunungang-bayan na nagpapahayag ng isang katanungan na kailangang sagutan o hulaan.
Kung pagkakaiba ng bugtong at palaisipan ang pag-uusapan, madalas na ang bugtong ay nasa anyong patula. Samantala, payak na tanong at sagot naman ang palaisipan.
Mga halimbawa ng palaisipan:
Palaisipan: Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido ang hugis. Nagtatalo-talo ang mga kapitbahay kung saan babagsak ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?
Sagot: Ang tandang ay hindi nangingitlog kaya ang sagot ay wala.
Palaisipan: Ano ang makikita mo sa gitna ng dagat?
Sagot: Letrang "g"
Palaisipan: Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Uno ay nagbabasa. Si Dos ay nagluluto. Si Tres ay naglalaro ng chess. Habang si Kwatro naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
Sagot: Naglalaro ang ika-limang anak ng chess. Bakit? Nasabing naglalaro si Tres ng chess eh alangan namang mag-isa siya. So ang sagot ay naglalaro rin ng chess yung isa pang anak.
Palaisipan: May mga buwan na mayroong 31 araw habang mayroon namang may 30 araw. Ilan naman ang mayroong 28 araw?
Sagot: 12 pa rin dahil may ika-28 naman na petsa ang lahat ng buwan.
Palaisipan: Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa habambuhay?
Sagot: Letrang "o"
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ano ang bulong?
Ang "bulong" ay isang sinaunang anyo ng orasyon na dating ginagamit ng ating mga ninuno. Bagamat may iba nang kahulugan ang salitang bulong, nananatili pa rin ang orihinal na kahulugan nito sa ilang mga bahagi ng Pilipinas.
Madalas itong ginagamit sa mga lugar kagaya ng kagubatan kung saan baka mayroong mga nilalang na hindi nakikita ng ating mga mata kung kaya't may binibigkas na mga salita.
Ang ilan sa mga halimbawa ng bulong ay ang mga sumusunod:
"Tabi-tabi po"
"Makikiraan po"
"Lumakas-sana sana ang ulan, upang mabasa ang lupang tigang"
Sa Ilocos, ang ilang halimbawa ay:
"Dayo-dayo"
"Bari-bari"
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Ano ang kasabihan?
Sa wikang Ingles, ang kasabihan ay tinatawag na saying. Bagamat may pagkaluma ang mga pahayag, ang mga maiksing parirala na mga ito ay nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaang tunay o totoo ng nakakarami.
Ang kaibahan ng kasabihan sa salawikain ay madalas itong sinasabi para magbigay ng payo tungkol sa karanasan ng tao.
Advertisement
Ipagpatuloy ang pagbabasa
Pangwakas
Bilang isang mag-aaral, magulang, o bilang isang Pilipino sa kabuuan, ang bawat hakbang natin sa pagpapahalaga at pagpasa-pasa ng karunungang bayan ay hindi lamang isang paraan ng pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan kundi isa ring makabuluhang bahagi ng nakaraan na siyang nagbibigay gabay sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.
Tandaan sana natin na bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino ang mga ito kaya marapat lamang na ating panatilihin at payabungin ang ating kultura.
Sa bawat hakbang na ito, hindi lamang natin nabibigyan ng halaga ang ating ating nakaraan, kundi pina-uusbong rin natin ang isang mas matatag at makulay na bukas para sa ating lahat.
Gusto mo rin ba ng libreng study planners?
Unlock the Free Premium Study Planners🔐
Share this content on Pinterest, Twitter, or Facebook and unlock the PDF download link.
PDF Download: Download PDF
JHS