Kasingkahulugan at Kasalungat - A Guide to Synonyms and Antonyms in Filipino

Kasingkahulugan at Kasalungat Ng Mga Salita

Enhance Your Vocabulary with Filipino Synonyms and Antonyms

We often find new words as we read books, magazines, and newspapers among others. Since learning is a continuous process, it's good to continue this habit. As such, we're not just learning new words in Filipino and their exact meanings; we are also having fun as we decipher their opposites.

Sa guide na ito, gagamitin natin ang mga salitang madalas nating nababasa at naririnig. Bagamat magkakaiba ang pagkakabaybay ng mga ito, marami ang magkasingkahulugan at magkasalungat. Ang paggamit at pag-alam sa mga salitang ito ay nagdudulot ng mas magandang pakikipag-ugnayan.

Bago ang lahat, tandaan na ang mga salitang ito ay bahagi ng patuloy na umuusbong nating wika. Isa itong bagay na siyang sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng ating bansa. 

Kaya sa talakayang ito, pag-uusapan natin ang kapereho at kabaliktaran ng ilang salita. 

Tara!

{tocify} $title={Table of Contents}

Mahahalagang Puntos

  • Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa mga salitang magkapareho lamang ang kahulugan.
  • Ang kasalungat naman ay ang mga salita na may magkaibang kahulugan.
  • Mahalagang alam ang kapareho at kasalungat ng mga salita upang hindi maguluhan kapag nakikipag-usap.

Ano ang Kasingkahulugan?

Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa mga salitang kapareho lamang ang kahulugan sa salitang kinukumpara. 

In English, we call these words as synonyms.

Kadalasan itong ginagamit para hindi mabanggit ng maraming beses ang isang salita sa pangungusap. Dagdag dito, ang kabuuang kahulugan ng pangungusap ay hindi binabago ng pinalitang salita. 

Ano naman ang Kasalungat?

Ang kasalungat ay kabaliktaran ng mga salitang kinukumpara o pinaghahambing. 

In English, these words are known as antonyms.

Kadalasan itong ginagamit upang ipakita ang pagkakaiba ng dalawang ideya o konsepto. 

Ang pinalitang salita gamit ang kasalungat nito ay may epekto sa kabuuang kahulugan ng pangungusap. Maaaring mag-iba ang gustong tumbukin ng pangungusap kapag gumamit ng salitang kasalungat ng salitang pinalitan.

Kaugnay na Aralin: Anu-ano ang Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Komunikasyon Noon at sa Kasalukuyan?​

Halimbawa ng Kasingkahulugan at Kasalungat

Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat.

Kariktan

  • Kasingkahulugan: Kagandahan, kaakit-akit
  • Kasalungat: hindi maganda

Eklipse

  • Kasingkahulugan: Pagtakip, paglimot
  • Kasalungat: Paglantad, pagliwanag

Isinaad

  • Kasingkahulugan: Ibinunyag, ipinahayag
  • Kasalungat: Itinago, isinikreto

Nakakapawi

  • Kasingkahulugan: Nakakaalis, nakakatanggal
  • Kasalungat: Nakakadagdag, nakakapagpalala

Serpiyente

  • Kasingkahulugan: Ahas, halimaw
  • Kasalungat: Anghel, mabuting nilalang

Nagmamaktol

  • Kasingkahulugan: Nagrereklamo, nagdadabog
  • Kasalungat: Kontento, masaya

Bantog

  • Kasingkahulugan: Sikat, kilala
  • Kasalungat: Hindi kilala, laos

Kasalamuha

  • Kasingkahulugan: Kasama, kaibigan
  • Kasalungat: Kaaway, kalaban

Tabak

  • Kasingkahulugan: Espada, kalis
  • Kasalungat: Kalasag, proteksyon

Umugong

  • Kasingkahulugan: Kumalampag, Umingay
  • Kasalungat: Tumahimik

Kumisap

  • Kasingkahulugan: Kumurap
  • Kasalungat: Nanatiling bukas ang mata, tumitig

Yumari

  • Kasingkahulugan: Lumikha, gumawa
  • Kasalungat: Winasak, pinabayaan

Luklukan

  • Kasingkahulugan: Upuan, trono
  • Kasalungat: Sahig, lupa

Kinutya

  • Kasingkahulugan: Inalipusta, ininsulto
  • Kasalungat: Pinuri, iginagalang

Nagkibit-balikat

  • Kasingkahulugan: Walang pakialam, walang interes
  • Kasalungat: Nag-aalala, may pakialam

Kaugnay na Aralin: Mga Matatalinhagang Salita at Halimbawa sa Pangungusap

Kapus-palad

  • Kasingkahulugan: Mahirap, salat
  • Kasalungat: Mayaman, maraming pera

Kawaksi

  • Kasingkahulugan: Karamay, kasangga
  • Kasalungat: Kaaway, kalaban

Humayo

  • Kasingkahulugan: Umalis, naglakbay
  • Kasalungat: Nanatili, nagpahinga

Sawimpalad

  • Kasingkahulugan: Malas, hindi swinerte
  • Kasalungat: Maswerte

Mapusok

  • Kasingkahulugan: Mainitin ang ulo, mabilis magalit
  • Kasalungat: Mahinahon, matiyaga

Magbulaan

  • Kasingkahulugan: Magsinungaling, magsabi ng hindi totoo
  • Kasalungat: Magsabi ng katotohanan, magtapat

Mautas

  • Kasingkahulugan: Pumanaw, mamatay
  • Kasalungat: Mabuhay, mananatili

Busilak

  • Kasingkahulugan: Malinis, mabait
  • Kasalungat: Marumi, masama

Gilas

  • Kasingkahulugan: Kasanayan, kahusayan
  • Kasalungat: Kakulangan sa kasanayan, kahinaan

Matibay

  • Kasingkahulugan: Malakas, matatag
  • Kasalungat: Mahina, madaling masira 

Pabigat

  • Kasingkahulugan: Pasanin, abala
  • Kasalungat: Kabawasan, ginhawa

Sariwa

  • Kasingkahulugan: Bago, kapipitas, kakukuha, kagagawa
  • Kasalungat: Luma, bulok, matagal na

Lumikha

  • Kasingkahulugan: Gumawa, bumuo
  • Kasalungat: Sumira, winasak

Tinangay

  • Kasingkahulugan: Dinakip, dinukot
  • Kasalungat: Binitiwan, iniwan

Pihikan

  • Kasingkahulugan: Mapili, maselan
  • Kasalungat: Di-pihikan, kontento

Kaugnay na Aralin: Kahulugan ng Pang-abay na Panlunan at Mga Halimbawa

Sinuway

  • Kasingkahulugan: Nilabag, hindi pinakinggan
  • Kasalungat: Sinunod, tinanggap, pinakinggan

Maayos

  • Kasingkahulugan: Maaliwalas, maganda
  • Kasalungat: Magulo, makalat

Masagana

  • Kasingkahulugan: Marami, sobra-sobra
  • Kasalungat: Kakulangan, kakaunti

Handog

  • Kasingkahulugan: Alay, regalo
  • Kasalungat: Kinuha, inagaw

Mapanganib

  • Kasingkahulugan: Delikado, maraming panganib
  • Kasalungat: Ligtas, walang panganib

Kahilingan

  • Kasingkahulugan: kagustuhan, pangarap, pinapanalangin, inaasam
  • Kasalungat: Hindi inaasam, ayaw gawin, hindi gusto

Masugid

  • Kasingkahulugan: Masikap, matiyaga
  • Kasalungat: Tamad, walang gana

Bukal

  • Kasingkahulugan: Bukas, hindi labag sa kalooban
  • Kasalungat: Labag sa kalooban, napilitan

Pamana

  • Kasingkahulugan: Ari-arian, binigay ng pamilya, inheritance
  • Kasalungat: walang mana, hindi pinagkalooban

Himig

  • Kasingkahulugan: Tono, melodiya
  • Kasalungat: Katahimikan, walang tunog

Aruga

  • Kasingkahulugan: Pag-aalaga, pagkalinga, malasakit
  • Kasalungat: Pagpapabaya, pagwawalang-bahala

Hinaing

  • Kasingkahulugan: Reklamo, daing, pagpapahayag ng lungkot
  • Kasalungat: Pagtanggap, kontento

Itinaboy

  • Kasingkahulugan: Pinaalis, itinapon
  • Kasalungat: Tinanggap, pinanatili

Naglaho

  • Kasingkahulugan: Nawala, hindi na natagpuan
  • Kasalungat: Nanatili, lumitaw

Umunlad

  • Kasingkahulugan: Umusbong, yumabong
  • Kasalungat: Humina, naglaho, pinaglumaan na

Kaugnay na Aralin: Talasalitaan: Kahulugan at Halimbawa

Kahalagahan sa Wika

Ang wika ay hindi lamang isang sistema ng komunikasyon, kundi isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng wika, nauunawaan natin ang ating kultura, kasaysayan, at mga tradisyon na mayroon tayo.

Isa na dito ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita. Mahalagang malaman ang mga kapareho at hindi kaparehong salita ng mga madalas nating sinasambit. Ang dahilan ay upang magkaroon tayo ng pagkaka-unawaan sa isa't isa.

Minsan, kapag nagsusulat tayo. Hindi maiwasang maulit ang ang mga salita. Dahil dito, tila nagiging monotonous ang pangungusap. Upang mapabuti ang pagkakabaybay at pagkaka-ayos ng ating ideya, mahalagang gumamit tayo ng mga synonyms o antonyms. Sa Tagalog, kasingkahulugan o kasalungat.

Pangwakas

Sa kabuuan, ang pag-aaral sa kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita ay nagbibigay sa atin ng mas malalim na pag-unawa sa wika at balarila. 

Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, nawa'y hindi natin makalimutan ang kahalagahan ng mga ito sa ating wika.

Tandaan na ang bawat salita ay pundasyon ng magandang komunikasyon at maayos na daloy ng pagpapahayag ng ideya o damdamin. 

To end this article, I hope you learned something new. Nawa'y nag-enjoy ka rin sa iyong pagbabasa!

McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

Post a Comment

Previous Post Next Post