Mga Tula Tungkol sa Pag-ibig - Nakakainlove naman

Isa, dalawa, tatlo, natagpuan niyo na ba ang the one niyo? Apat, lima, anim, mga tula ng pag-ibig ang siyang ating tatalakayin. Pito, walo, siyam, sa pag-ibig ba ay handa ka nang sumabay? 

Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa, tara't ating basahin ang mga halimbawa ng tula tungkol sa pag-ibig!

Tula Tungkol sa Pag-ibig



Unang Tula tungkol sa Pag-ibig - Magpakailanman

Sa pag-ibig ay walang takot

Walang hanggan, walang sukot

Sa puso ko ay ikaw lamang

Ngayon, bukas at magpakailanman.


Sa bawat araw, pag-ibig ko'y nangingibabaw,

Mas tumitingkad katulad ng araw

Sa gabi, pag-ibig ko'y parang bituin,

Nagbibigay liwanag sa dilim.


Pag-ibig natin ay tapat at matatag

Anumang unos ang dumating, hindi matitinag

Sa bawat pagsubok, lalo pang tumitibay

Pag-ibig natin ay patuloy na sumisiklab.


Sayo lamang iaalay ang walang hanggang pag-ibig

Sa bawat sandali at sa bawat araw, tayo'y titindig

Dahil ang pag-ibig natin ay walang hanggan

Ngayon, bukas at magpakailanman.

Basahin Din: Ano ang Tula?


Ikalawang Tula tungkol sa Pag-ibig - Hindi Matatawaran

Pag-ibig ko sayo'y hindi matatawaran

Walang sinuman ang kaya itong pesyohan

Dahil sa bawat alon ng ating damdamin

Pag-ibig natin ay mas lalong patitibayin.


Sa pagsapit ng umaga, ikaw ang liwanag,

Nagiging malakas dahil sa iyong sinag

Sa pagdating ng gabi, ikaw naman ang bituin

Sa aking mga mata, ikaw ay nagniningning.


Pag-ibig natin, para ding musika

May himig, may ritmo, may melodiya

Sa bawat nota, damdamin ay buhay

Ang pag-ibig natin ang siyang awit ng buhay.


Sa pag-iibigan natin ay walang iwanan,

Sa hirap at ginhawa, magkasama ng walang hanggan

Pagkat pag-ibig natina ay hindi matatawaran

Mas tumitibay sa bawat araw na dumaraan.

Basahin Din: Ano ang Pabula?


Ikatlong Tula tungkol sa Pag-ibig - Umaraw man o Umulan

Pag-ibig ko'y parang ulan, ito'y bumubuhos

Ito ay walang humpay sa pag-agos

Tanda na ang pag-ibig ko'y hindi kapos

Dahil ang lahat ay handa kong ibubuhos.


Pag-ibig ko'y, parang araw din 

Sa bawat araw, ika'y aking pasasayahin 

Tulad ng araw na nagbibigay init at liwanag 

Pag-ibig ko'y magiging gabay at lakas, magandang dilag.


Sa pag-ulan ng pag-ibig, tayo'y sumasaya,

Parating magkasama sa lungkot at biyaya

Pag-ibig natin, laging malakas

Mamumutawi sa bibig na tunay itong wagas.


Pag-ibig nga natin ay parang araw

Nagbibigay buhay, nagbibigay kulay

Pag-ibig natin ay naglalagablab at hindi kulang

Walang makakapigil, walang makakahadlang.

Ika-apat na Tula tungkol sa Pag-ibig - Hindi Matitinag

Pag-ibig ko'y parang bundok, ito'y matibay at matatag

Sa bawat unos at bagyo na dadating, ito'y hindi matitinag

Tulad ng bundok ay matayog itong nakatindig

Maaari mong sandalan, iyan ang aking pag-ibig.


Sa bawat pag-ikot ng oras at paglipas ng araw

Pag-ibig ko'y laging totoo at hindi malulusaw

Tulad ng araw na laging sisikat kahit may ulap

Pag-ibig ko'y seryoso at laging tapat.


Pag-ibig ko'y parang dagat rin na malalim

Hindi masusukat ang aking pagmamahal

Handang ibigay ang lahat dahil pag-ibig ko'y taimtim

Walang makakahadlang, walang makakasagabal


Lumipas man ang panahon, ito'y hindi magbabago

Ang pag-ibig ko'y mananatiling wagas at totoo

Iko'y magsisilbing kanlungan sa oras ng iyong kahinaan

Sa bawat hamon ng buhay, ako'y iyong masasandigan.

Ikalimang Tula tungkol sa Pag-ibig - Walang Katumbas

Anumang bagay ang siyang dumating

Pag-ibig ko'y mananatiling totoo pa rin

Walang katulad, walang katumbas

Patuloy na uusbong, hindi aatras.


Sa bawat pag-ikot ng oras at paglipas ng araw

Ang pag-ibig ko ay walang kapantay

Ito ay hinding-hindi magbabago

Lagi itong magiging tapat at totoo.


Tulad ng ulap, ito ay malambot at magaan

Anumang problema, ako'y gagawa ng paraan

Tulad ng ulap na nagbibigay anino sa init ng araw

Mananatiling totoo kahit mapaso pa ng mainit na sabaw.


Ang pag-ibig ko'y hindi magbabago

Hindi ka magiging kabado

Dahil ang pag-ibig ko'y hindi butas

Ito rin ay walang katumbas.

Basahin Din: Ano ang Panghalip?

Pangwakas

Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig maging ang salita. Kaya kung pagsasamahin gamit ang tula, makakabuo ng isang magandang obra.

Ang mga tula tungkol sa pag-ibig ay tunay na nakakabighani. Nagbibigay ito ng kakaibang sangkap na siyang nagpapaganda sa daloy ng bawat salita, lalo na kung gagamitin bilang pangharana. 

Muli, sana ay nagustuhan mo ang mga tulang ginawa ko. 

McJulez

McJulez is a passionate writer who loves making concise summaries, sharing valuable notes, and talking about new insights. With a background in campus journalism and a commitment to delivering experienced and reliable content, McJulez is dedicated to making this platform a community of learning and connection. facebook twitter pinterest

Post a Comment

Previous Post Next Post