Ang wikang Filipino ay napakalawak. Sa ating pag-aaral at pagbabasa, nakakatuklas tayo ng mga bagong salita. Marahil narinig mo na ang salitang samakatuwid. Gayunpaman, ito ang ating pag-uusapan ngayon.
Sa pahinang ito, pag-uusapan natin ang kahulugan ng salitang ito at kung paano ito ginagamit sa pangungusap.
Mahahalagang Puntos
- Ang salitang samakatuwid ay isang uri ng pang-ugnay.
- Ginagamit ang salitang samakatuwid sa pagbibigay ng konklusyon sa isang usapin o argumento.
- Sa Ingles, ang katumbas nitong salita ay therefore o hence.
Mga Nilalaman
Kahulugan ng Samakatuwid
Ang salitang samakatuwid ay isang uri ng pang-ugnay na madalas ginagamit sa pagbibigay ng buod sa isang ideya.
Sa mga mag-aaral, karaniwan itong ginagamit sa pagsusulat ng konklusyon para sa kanilang sanaysay o iba pang sulatin.
Katumbas ng samakatuwid ang mga salitang kung ganoon, dahil dito, at bunga nito.
Samakatuwid in English
Filipino | English |
---|---|
Samakatuwid | Therefore |
Samakatuwid | Consequently |
Samakatuwid | That's why |
Basahin Din:
Kahulugan ng Merkantilismo at Halimbawa NitoPaggamit at Halimbawa ng Samakatuwid
Narito ang ilang paraan at halimbawa kung paano ginagamit ang salitang samakatuwid sa pangungusap.
A. Sa Pagbibigay ng Konklusyon
Halimbawa: Mahalaga ang edukasyon para sa mas magandang kinabukasan. Samakatuwid, kailangan nating magsumikap sa pag-aaral.
B. Sa Pagpapaliwanag
Halimbawa: Nakaka-inspire ang mga sinasabi ng kanilang guro. Samakatuwid, nagpasya si Ana na makinig ng mabuti upang matuto.
C. Sa Pag-uugma ng mga Ideya
Halimbawa: Dahil sa pandemya kaya naghihirap ang mga tao. Samakatuwid, huwag tayong gastos ng gastos.
Mga Dapat Tandaan
Mahalagang tandaan na ang samakatuwid ay ginagamit para isara ang isang ideya. Dagdag dito, ginagamit ito bilang pangkonekta sa mga naunang pahayag at ang pinal na kaisipan.
Sa paggamit ng salitang samakatuwid, mas nagiging malinaw at organisado ang ating mga sinasabi. Dahil dito, mas nauunawaan ng ating mga kausap o mambabasa ang ating mga sinasabi.
Samakatuwid, ang paggamit ng salitang ito ay makakatulong upang mapabuti ang ating kasanayan sa pagpapahayag at maging sa pakikipag-ugnayan.
Basahin Din:
Ano ang Anyong Lupa? Kahulugan at Halimbawa ng Bawat Isa